Hanggang Kailan Ninyo Kami Matitiis?
Makakayanan niyo bang kayo ang maglabas-masok
At magsumiksik sa kanilang paaralan
Imbes na lumad ang makinabang
Kayong mga ganid ang nakikialam
Ang mga maririnig sa mga tahanan noo'y
Tinig ng mga umiiyak na gutom na sanggol
Ngunit sa ngayon hindi na lamang iyon
Kundi halakhakan na rin ng mga buwitreng nauulol
Hanggang kailan ninyo sila matitiis tingnan
Sa pagkakahimlay sa pira-pirasong plastik na higaan
Hanggang kailan ninyo sila matitiis pagmasdan
Na kumain lamang sa kakarampot na saingan
Ilang beses niyo na silang ninakawan ng kamusmusan
Ilang beses niyo na silang kinuhaan ng pang-lamang tiyan
Hanggang kailan ninyo matitiis tingnan
Mga musmos na namamaluktot sa gitna ng malamig na buwan
Ang lupang inyong tinatapakan
Ay ang lupang matagal na nilang natamnan
Ng higit pa sa pang-lamang tiyan
Sa lakas ng pawisang kalamnan
Aanihin pa lamang ng mga batang magbubukid
Sinusukhay niyo na ang kanilang pinaghirapan
Karahasan ang inyong pinamumukha
Pinagbibintangan pa ang mga anakpawis na dukha
Hanggang kailan ninyo matitiis
Ang libu-libong mga paslit
Kayong mga linta ang dapat lumisan
At hindi sila ang dapat na maging dayuhan
Hanggang kailan ninyo sila matitiis
Na ipagdamut ang tunay na kalayaan
Patuloy nilang ipaglalaban
Ang lupang ninunong matagal nang inasam-asam
Agosto 27, 2009
* Tula para sa mga lumad na bakwit sa Surigao










Except where otherwise noted, content on this site is licensed under a